NAGOYA, Japan – Naitala ni Pinoy golf sensation Juvic Pagunsan ang ikatlong top 10 finish sa Japan Golf Tour nang sumosyo sa ikaanim na puwesto sa The Crowns 2017 nitong Linggo rito.

Kumana ang Filipino shotmaker ng ikalawang sunod na 68 para sa kabuuang nine-under 271 at makamit ang premyong ¥4,140,000 (P1.8 milyon).

Kasosyo ni Pagunsan si Toshinori Muto, tumipa ng 72.

Tumapos sila na apat na stroke ang layo sa kampeon na si Yusaku Miyazato, umiskor ng final-round 68 para sa premyong ¥24,000,000 (P10 milyon).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umiskor si Pagunsan, dating Asian Tour top money earner, ng 65-70 sa unang dalawang round sa Nagoya Golf Club Wago Course.

Tumapos din sa top 10 si Pinoy Angelo Que sa natipang 66 para sa kabuuang seven-under 273 para sa sosyong ikasiam na puwesto na may premyong ¥3,264,000 ( P1.4 milyon).