NGAYONG umaga, bago mag-It’s Showtime, ang pilot ng teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin nina Gerald Anderson at Kim Chiu -- kasabay ng world premiere sa mga bansang Kingdom of Saudi Arabia, Kuwait, Dubai, Oman, Italy, France, United Kingdom at Greece.

Yes, Bossing DMB, bongga ang balik-tambalan ng Kimerald dahil pinagbigyan ang kanilang ever loyal fans na noon pa naghihintay sa muling pagsasama ng dalawa.

Samantala, sa ginanap na panayam kina Gerald at Kim sa Tonight With Boy Abunda nitong Biyernes, tinanong ni Kuya Boy kung dumating ba sa puntong siniraan nila ang isa’t isa noong naghiwalay sila.

Natatawang umamin kaagad si Kim.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

“Oo, hindi ko naman ide-deny sa kanya ‘yun. Part po ‘yun ng moving on. Tingnan mo naman ngayon, nasasabi ko na sa kanya, siniraan. Pero ‘yung iba doong sinabi ko, totoo. ‘Yung iba doon, sira lang.”

Kaya nalaman din na wala palang closure ang paghihiwalay ng Kimerald,

“‘Yun na nga po, wala po kasi, eh. Hindi na lang po kami nag-text. Hindi na nag-text, in-erase ko na yung number mo,” pagtatapat ni Kim sabay baling kay Gerad. “Wow, ganda ko, as if.”

“Hindi na tayo nag-text?” hirit ni Gerald.

“Hindi na,” sagot agad ng dalaga. “Siyempre noong bandang huli, text-text, ‘tapos hanggang sa, oo nga, alis na siya! Gano’n. Pero okey na kami.”

Anong love advise ang masasabi ni Kim kay Gerald, “Value who or what you have.”

“Sa totoo lang, Tito Boy, kung paano po siya magmahal, sobrang perfect na, eh,” pag-amin naman ni Herald. “Honestly. Kaya siguro bilang isang lalaki, ako po talaga ‘yung siguro, immature, hindi ko pa bina-value kung ano ‘yung meron ako noon. ‘Pag nagmahal siya, buung-buo, eh. Kaya napakasuwerte ng lalaking mamahalin niya.”

(Mamahalin? Ibig sabihin wala pang minahal si Kim after Gerald, Bossing DMB? Hala! Paano na lang si Xian Lim?” --DMB)

At ngayong nagkasama ulit ang Kimerald sa Ikaw Lang Ang Iibigin, nagsabi ang aktor ng, “Ngayon, ito po kasi ‘yung opportunity na makapag-catch up po kami at kumbaga, opo, may pinagsamahan kami, pero it’s like I’m getting to know her again.”

Say naman ng aktres, “Naloloko-loko ko na siya, joke time-joke time, okey na ‘yun.”

Tama talaga ang kasabihan, nasa huli ang pagsisisi pagdating sa tunay na pag-ibig. At walang sugat na hindi napaghihilom ng panahon. - Reggee Bonoan