GINULANTANG ng Nickan’s Tapsi Hauz ang bumabanderang Bearcats Caloocan matapos na hablutin ang panalo,81-79 sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng Brotherhood Basketball League “WCA Travel Cup” kamakalawa sa Trinity University of Asia gym sa Quezon City.

Kontrolado ng Tropang Caloocan ang laban hanggang sa maagang bahagi ng pinal na yugto at halos abot kamay na ang wagi nang sumiklab ang Food Specialists sa kalagItnaan pasimuno ang best player ng laro na si Duduy Ignacio kaagapay sina Jomari Lacastesantos, Andrei Mendoza, Chris Cayabyab at playing coach Joseph Abaya upang makuhang dumikit sa Bearcats sa higit isang minuto ng laban.

Isang humahaginit na three-pointer ni Cayabyab sa huling limang segundo ang bumali sa gulugod ng Tropang Caloocan upang maagaw ang panalo at umasenso sa 3-2 kartada ang Nickans kung saan naipalasap nito sa nangungunang Bearcats ang unang pagkabigo sa lima nitong asignatura sa passion division ng ligang inorganisa ni BBL president Erick Kirong ng Macway Travel at inihahandog ng World Cruisers Adventures Travel and Tours sa pamumuno ni CEO Engr. Joven Diaz.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?