Mga Laro Ngayon

(Flying V Center)

10 a.m. – Army vs IEM (men’s)

2 p.m. – BaliPure vs Air Force (women’s)

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

4 p.m. – Pocari Sweat vs Power Smashers (women’s)

6 p.m. – Creamline vs Perlas (women’s)

ISANG pasabog na triple bill ang nakatakda sa pagbubukas ngayon ng Premier Volleyball League sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Kinatatampukan ng mga mahuhusay na mga manlalaro ng bansa, ang liga na inorganisa ng Sports Vision ay muling matutunghayan sa giant network na ABS-CBN sa kanilang Sports in Action channel.

Inaasahang muling dadagsain ng mga fans ang liga particular ng mga tagasunod ng many-time league MVP na si Alyssa Valdez na siyang mamumuno sa baguhang koponang Creamline na magtatangkang agad na makagawa ng matinding impact sa kanilang maiden conference.

Susuportahan naman ang dating UAAP star mula Ateneo para sa kampanya ng Cool Smashers nina Aerieal Patnongon, Coleen Bravo, James Suyat, Janet Serafica, Ivy Remulla, Pau Soriano, Joyce Palad, Aurea Racraquin at Jonalyn Ibisa.

Bukod sa mga nasabing local players, sasandigan din ni Thai coach Tai Bundit ang kanilang mga reinforcements na sina Kuttika Kaewpin at American Laura Schaudt sa pagsagupa nila kontra sa baguhan ding koponan ng Perlas na tinatampukan ng mga dating University of the Philippines at Ateneo stalwarts na tutulungan ng mga imports na sina Brazilian Rupia Inck at Japanese Naoko Hashimoto sa kanilang pagtutuos ganap na 6:00 ng gabi.

Inaasahang mamumuno para sa Perlas Lady Spikers sina Amy Ahomiro, Sue Roces, Dzi Gervacio, Ella de Jesus, Sasa Devanadera at Jem Ferrer kasama sina Nicole Tiamzon at Kat Bersola.

“The core of the squad has so much experience and we welcome the addition of Kat and Nicole, they will give this team energy,” ayon sa kanilang coah na si Jerry Yee.

Magtatapat naman ang BaliPure-Air Force sa unang laban ganap na 2:00 ng hapon kasunod ng salpukan ng Pocari Sweat Lady Warriors at Power Smashers ganap na 4:00 ng hapon.

Inaasahang mamumuno para sa Water Defenders si NCAA 3-time MVP Grethcel Soltones at mga imports na sina Jennifer Keddy ng US at ang nagbabalik na si Thai import Jaroensri Bualee.

Para naman sa Jet Spikers, sasandigan nila sina Thai veteran Patcharee Sangmuan at local mainstays Joy Cases, Wendy Semana at Iari Yongco.

Tiyak namang mangunguna para sa Pocari Lady Warriors sina Myla Pablo, Melissa Gohing at Desiree Dadang kasama ng mga imports na sina Michelle Strizak at Edina Selimovic habang ipantatapat sa kanila ng Power Smashers sina imports Hyapha Amporn at Kannika Thipachot at local standouts Jovielyn Prado, Katherine Villegas, Alina Bicar at Dimdim Pacres.

Mauuna rito, magsisimula rin ang men’s Reinforced Conference sa pamamagitan ng solong laro ganap na 10:00 ng umaga.

(Marivic awitan)