MOSCOW (AP) — Isa pang Russian middle-distance runner -- Yekaterina Sharmina – ang pinatawan ng banned hanggang 2022 matapos magpotibo sa ikalawang re-test ng kanyang sample.

Sinabi ng Russian anti-doping agency na pinatawan ng bagong apat na taong banned si Sharmina bunsod ng pagpositibo sa hindi pinangalanang uri ng gamot.

Ang 2011 European indoor bronze medalist sa 1,500 meters ay naunang nang pinatawan ng banned hanggang December 2018 nang makunan ng ilegal na droga ang kanyang dugo, ayon sa record ng Court of Arbitration for Sport.

Binigyan din ng dalawang taong banned si Yekaterina Doseikina, kinatawang ng Russia sa 3,000-meter steeplechase sa 2015 world championships.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ayon sa Russian anti-doping agency, nilabag niya ang panuntunan hingil sa “whereabouts” rules kung saan obligado ang atleta na ipaalam ang kanyang kinaroonan para sa out-of-competition doping test.