NAKIBAHAGI ang Cloudfone sa 2017 PBA All-Stars Obstacle Challenge kung saan target ni Maverick Ahanmisi ng Rain or Shine na maidepensa ang korona sa Biyernes sa Quezon Convention Center sa Tiaong, Quezon.
Kung sakali si Ahanmisi ang ika-apat na player na makapagtala ng back-to-back title sa Obstacle Challenge tulad nina Rob Johnson, Willie Miller at Jonas Villanueva.
Magbibigay ng hamon kay Ahanmisi sina Simon Enciso ng Alaska, Roi Sumang ng Blackwater, Sol Mercado ng Ginebra, Stanley Pringle ng GlobalPort, LA Revilla ng Mahindra, Eman Monfort ng NLEX, Ed Daquiaog ng Meralco, RJ Jazul ng Phoenix, Justin Melton ng Star Hotshots at Alex Cabagnot ng San Miguel Beer.
Ang Obstacle Challenge ay isa sa tatlong regular skills contest sa PBA All-Star Spectacle.
Ikinalugod ni Eric Yu, chief executive ng Cellprime, ang pagkakasama ng Cloudfone sa programa ng pro league sa bansa.