CHIBA, Japan – Naitala ni Pinoy golf star Juvic Pagunsan ang ikalawang sunod na top-10 finish sa Japan Tour matapos pumuwesto sa ikaanim sa Panasonic Open nitong Linggo.

Hataw ang Filipino shotmaker sa final round 2-under 69, tampok ang eagle sa final hole para sa kabuuang 9-under 275.

Kumita si Pagunsan ng ¥4,975,000 (P2.2 million) matapos makasama sa grupo nina Koreans IJ Jang, umiskor ng 66, at Kyung Tae Kim, tumipa ng 68.

Dalawang stroke lang ang layo nila para sa playoff kay Kenichi Kuboya ng Japan, kumana ng pinakamatikas na iskor sa 64, at Katsumasa Miyamoto, tumipa ng 68.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nagwagi si Kuboya sa premyong ¥30,000,000 ( P13 million) nang gapiin si Miyamoto sa unang extra hole sa naturang event na co-sanctioned ng Asian Tour.

Nagtapos si Tony Lascuna sa 3-over 74 para sa 284 total at sosyong ika-44 puwesto (¥485,142).