PORMAL na tatanggapin ni Ka Luding Boongaling (LB Candelaria) ng Candelaria, Quezon ang 2017 UFCC Cocker of the Year sa ispesyal na okasyon ngayon sa Forum 1 ABC ng So

laire Resorts & Casino.

Magsisimula ang palatuntunan ganap na 6:00 ng gabi.

Tatanggap din ng parangal ang mga kampeon sa bawat leg tulad nina 1stLeg champion Ka Luding Boongaling (LB Candelaria) & Gerry Ramos (AAO); 2nd Leg champion – Edwin Tose (April 5 sa SJC Dayang-dayang 5-Cock); 3rd Leg champion Jojo Cruz (J & B Kaingin); 4th Leg – Toni Marfori (Swing) & Gerry Ramos (AAO) & Ricky Magtuto (Ahluck Camsur NCA Mar. 21 6-Cock); 5th Leg – RJ Mea (RJM); 6th Leg – RJ Mea (RJM) and 7th Leg - Eddie Gonzales (Super Gee).

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang 2017 UFCC Circuit ay inorganisa ng Ultimate Fighting Cock Championships, sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Platinum, Resorts World Manila at Solaire Resorts & Casino.

Kasabay ng parangal ang pagbibigay ng alituntunin para sa mga lalahok sa 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby.

Inaasahang 200 entry ang sasagupa sa labanan na nakatakda sa Mayo 14-20 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.