pacquiao copy

BRISBANE – Walang pinag-iba ang pagtanggap ng mga tagahanga ni Senador Manny Pacquiao sa Australia.

Tulad nang kaganapan sa Los Angeles, Macao at saang panig ng mundo na mapuntahan ng eight-division world champion, mainit na pagtanggap ang isinasalubong sa kanyang pagdating.

Mistulang ‘Rock Star’ na dinumog ng mga kababayang migrante at OFW, gayundin ng mga Australian si Pacquiao sa kanyang pagdating mula sa airport hanggang sa South Bank kung saan ginanap ang paunang programa para sa Media Tour ng kanyang duwelo sa pamosong Aussie fighter na si Jeff Horn sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium.

Ginang, na-swipe wrong sa dating app; na-scam ni 'Mr. Right' ng higit <b>₱</b>100K

At hindi binigo ng Pambansa Kamao ang mga kababayan nang kanya silang kausapin at kamayan ng itinuturing ‘greatest fighter’ ng kanyang henerasyon.

Sa kabila ng katotohanan na itinuturing hometown hero ang Olympian na si Horn, tinaguriang ‘Brisbane’s Fighting Schoolteacher’, pinatunayan ni Pacquiao na may matibay siyang suporta maging sa teritoryo ng karibal.

Bukod sa media presentation, sumabak na din si Pacquaio sa shooting para sa Brisbane tourism program na ipalalabas bilang bahagi ng promotion ng laban. Nakatakdang ipalabas ang duwelo nina Pacman at Horn sa 150 bansa.

Mapagpakumbaba pa rin si Pacquiao sa kabila ng pagiging liyamado sa laban kontra sa kulang sa karanasan na karibal.

“I will do my best to give a good fight and entertain the fans,” pahayag ni Pacquiao.

“It’s very exciting to fight here (in Brisbane).This is new for me and I am excited to be here. To defend my crown and to show that I’m still there — even though I am now a senator — is my goal. Boxing is my passion. I love it,” aniya.