Noli-Pineda-Jennylyn-Mercado-Dennis-Trillo copy

MAS masaya at mas kumpleto ang buhay at bahay ni Jennyln Mercado ngayon na kasama na nila ng anak na si Jazz ang kanyang amang si Noli Pineda.

Sinundo nina Jennylyn, Jazz at Dennis Trillo ang ama ng aktres sa South Korea para sa Pilipinas na manirahan at pumayag ang ama.

“Slight lang ang adjustment dahil yearly naman siyang nagbabakasyon dito at nagkikita kami. Pero ngayon, kasama na namin siya. Pinauwi ko siya dahil wala kaming kasama ni Jazz sa bahay. May partner siya sa South Korea na dadalawin na lang niya. Wala silang anak, ako lang ang anak ng dad ko,” sabi ni Jennylyn.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Kasama ni Jennylyn ang boyfriend na si Dennis nang sunduin ang ama sa South Korea at mabilis daw na nagkasundo ang dalawa. In fact, nag-jamming agad dahil that time, may dalang gitara ang ama. Eh, mahilig din sa music si Dennis kaya kumakanta, marunong maggitara at mag-drums.

Anyway, excited na si Jennnylyn sa airing ng My Love From The Star na pinagbibidahan nila ni Gil Cuerva. After one year, mapapanood na sila sa Filipino adaptation ng hit Korean series bilang sina Steffi at Mateo.

Nang pumunta sa Korea si Jennylyn, nakakita siya ng double-decker bus na may picture ng Korean actress na si Jun Ji-hyun, ang gumanap na Steffi Cheon sa original My Love From The Star, niyakap niya ang picture nito sa bus, ipinost at nilagyan ng caption na, “Nagkita na rin tayo Steffiiiii!”

Magiging busy rin sa paggawa ng pelikula si Jennylyn this year. Mauuna ang shooting niya sa Reality Entertainment ng isang psycho thriller sa direction ni Erik Matti.

Gagawin din niya ang wala pang title na 2017 MMFF entry ng Quantum Films na muli nilang pagtatambalan ni Jericho Rosales at ididirehe uli ni Dan Villegas. Unang nagtambal sina Jennylyn at Jericho sa 2015 MMFF entry na Walang Forever under Direk Dan na tumabo sa takilya.

Habang hindi pa umeere ang My Love From The Star, mapapanood muna si Jennylyn sa cooking show na Everyday Sarap with CDO na nasa 6th season na. Magbubukas ang bagong season sa May 1, sa GMA News TV at mapapanood Mondays to Fridays at 11:00-11:10 AM, 3:00-3:10 PM, and 7:00-7:10 PM; on Saturdays at 1:15-1:25 PM, 3:00-3:10 PM, and 6:05-6:15 PM, and on Sundays at 12:45-12:55 PM, 4:50-5:00 PM, and 5:30-5:40 PM. (NITZ MIRALLES)