Lumalabas na dumami ang mga taong nabiktima ng mga magnanakaw matapos ihinto ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon laban sa mga sangkot sa ilegal na droga ng isang buwan.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay sa bagong survey na nagpapakitang 6.3 porsiyento o 1.4 milyong pamilya ang nawalan ng ari-arian dahil sa mga magnanakaw sa kalye, akyat-bahay at bukas-kotse sa nakalipas na anim na buwan. Ang bilang na ito ay mas mataas ng 1.8 puntos kaysa 4.5% o 1 milyong pamilya na naitala noong nakaraang Disyembre.
“The First Quarter 2017 Social Weather Stations (SWS) survey saying 6.3% of families lost property through street robbery, burglary, or car theft within the past six months validates earlier reports showing an increase in crime after the Philippine National Police (PNP) suspended Oplan Tokhang and Project Double Barrel last January,” puna ni Abella.
“The temporary suspension of police anti-drug operations proved to be a window of opportunity for illegal drug violators to engage in burglary and car thefts,” dagdag niya.
Gayunman, binigyang-diin ni Abella na ang 6.3% sa survey ay mas mababa pa rin ng 1.3% kumpara sa annual average na 7.6% noong 2016. (Genalyn D. Kabiling)