HINDI makapaniwala si Lea Michele nang malaman ang inaakala ng publiko na ayaw na niyang panooring muli ang dating episodes ng kanyang show na Glee.

“I think that everyone is so shocked when I say that,” saad ng 30-anyos na aktres sa bagong panayam ng PrideSource.

“I’m shocked at people being shocked.”

At maganda naman ang dahilan ni Michele, na nagbida bilang Rachel Berry sa anim na season ng musical romp ng Fox. Ang kanyang madalas na panoorin? Noong mag-shoot ang cast para sa New York-themed episode sa season two na nakasentro sa karakter ni Michele.

'Di talaga, mamatay man!' Heart, wala raw pinagawa sa mukha maliban sa isa

Inilahad ng Scream Queens star na personal na makahulugan sa kanya ang pag-alis niya sa New York bago bumalik pagkaraan ng isang taon para i-shoot ang Glee, na naalala niya na, “this hugely successful show being followed by, I think, close to, like, 200 fans and paparazzi.”

“I’m so proud of the work that we did,” aniya. “And I get that some people would be embarrassed to watch their own material. I understand that. But sometimes it’s so fun. I’ll be like, ‘Remember when we did that number?’ I think I watch it more because I can’t believe that we did it.”

“It’s just to remind myself, ‘You did that. You did that! And that’s incredible. And you should be proud of it.’ It’s sort of inspiring for me.”

Nang tanungin kung pinapanood niya ang mga episode na nagtatampok sa co-star niyang si Naya Rivera, na nagsulat tungkol sa on-set drama niya kay Michele sa libro nito na Sorry Not Sorry: Dreams, Mistakes, and Growing Up, sagot ni Michele, “I don’t like to talk about that. There are so many more fun things to talk about.”

Tungkol naman sa kanyang musika, naging seryoso si Michele nang ikuwento ang kantang Hey You, ang huling track sa kanyang pinakabagong album na Places. Aniya, ito ay tungkol sa dati niyang boyfriend na si Cory Monteith, at tinawag ito na “part two of If You Say So”, ang heartbreaking song mula sa kanyang 2014 debut na nagbalik-tanaw sa kanyang huling pakikipag-usap kay Monteith bago ito pumanaw noong Hulyo 2013.

“I wasn’t originally thinking of including that on the album,” ibinunyag niya tungkol sa Hey You. “It’s sort of a sensitive subject for me that’s hard to talk about, and I didn’t want anything on the record that I couldn’t talk about. But it just felt so beautiful. … The song is pretty specific, and people are gonna make of it what they want, but I wanted to make a song about loss that wasn’t necessarily sad.” (ET Online)