KUWAIT CITY (AFP) – Sinimulan na ng Kuwait ang pagtatanong sa pinaghihinalaang jihadist ng grupong Islamic State na ipina-deport ng Pilipinas habang apat na kamag-anak nito ang idinetine, iniulat ng emirate media kahapon.

Si Hussein al-Dhafiri ay naaresto sa Taguig City noong nakaraang buwan kasama ang asawa nitong Syrian na si Rahaf Zina sa hinalang sila ay mga miyembro ng IS at nagbabalak ng mga pag-atake sa Kuwait at Pilipinas.

Ipinatapon siya noong Biyernes sa Kuwait para litisin sa kasong pag-aanib sa ipinagbabawal na organisasyon at pagpaplano ng mga pag-atake.

Si Zina ay pinakasalan ni Dhafiri nang mamatay ang una nitong asawa na isang mataas na IS commander sa Syria. Nasa kustodiya pa rin ng Pilipinas si Zina at nakatakdang ipatapon sa Qatar, kung saan ito nagmula.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ayon sa judicial authorities sa Kuwait, apat na kamag-anak ni Dhafiri ang isinailalim sa kustodiya ng mga awtoridad sa loob ng 21 araw habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, iniulat ng pahayagang Al-Qabas.

Nahaharap sila sa parehong kaso ni Dhafiri, ayon sa pahayagan.