TATANGKAIN ng University of Santo Tomas na maselyuhan ang title duel kontra sa La Salle sa UAAP Season 79 women’s football tournament bukas sa FEU-Diliman pitch.

Bago ang tatlong linggong bakasyon para bigyan ng pagkakataon ang kampanya ng bansa sa AFC Women’s Asian Cup, nangunguna ang Lady Archers tangan ang 18 puntos, kabuntot ang Tigresses na may 10 puntos.

Kakailanganin ng UST, tangan ang bentahe sa Ateneo (pito) at defending champion University of the Philippines (lima), ma manalo o matalba ang huling dalawang laro para makuha ang pagkakataon na harapin ang La Salle sa finals.

Kailangan ng Tigresses na manalo sa sibak nang Far Eastern University bukas para maisaayos ang one-match final kontra sa Lady Archers. Kung mabigo, may tsansa pa sila laban sa La Salle sa Linggo sa pagtatapos ng elimination round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Asam ng Lady Archers na makabawi sa kabiguang natamo ng men’s team na makausad sa Final Four.