CEBU CITY – Target ni Marlon Tapales na makabawi kay Shinsuke Yamanaka at nais niyang maganap ito sa unification title bout.

Ito ang pagganyak ni Tapales sa kanyang paghahanda para maidepensa ang WBO world bantamweight title kontra Shohei Omori sa April 23 sa Edion Arena sa Osaka, Japan.

Si Yamanaka ang WBC world bantamweight titleholder simula noong 2011. Naidepensa niya ito sa 12 pagkakataon kontra sa matitikas na fighter tulad nina Vic Darchinyan, Tomas Rojas, Liborio Solis at Anselmo Moreno.

Hindi rin malilimot ang TKO win niya kay dating world champion Malcolm Tunacao sa harap ng kababayan nito sa Cebu City noong April 8, 2013.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Yes, that’s the fight that I really wanted, a unification bout with Yamanaka because I want to fight with the best out there,” pahayag ni Tapales sa Philboxing.com.

Nagpamalas ng matinding pagunlad sa bilis ang lakas ang 25-anyos na si Tapales at ang kahandaan nito ay sapat na para harapin ang Japanese counterpart.

Ngunit, bago ito, kailangan malagpasan muna niya si Omori na hindi rin pahuhuli sa galing at determinasyon.

“I can’t afford to be over-confident against Omori (18-1-0, 13KOs) because I know he is determined to exact revenge against his only loss,” sambit ni Tapales, patungkol sa unang pagkakataon na nakaharap niya si Omori noong Dec. 16, 2016.

Tangan ni Tapales ang kartang 29-2-0, 12KOs.

“Last time we met, he was aggressive from the start but when he felt my power, he ran. This time whether he’s aggressive or box around, I’m determined to put the pressure on him,” pahayag ni Tapales.

“I’m aiming for a knockout but let’s see what he does when the fight starts.”

Nakatakdang tumulak patungong Japan ang kampo ni Tapales ngayong hapon. Kabilang sa kanyang grupo sina manager Rex ‘Wakee’ Salud, maybahay na si Elvira at anak na si Ryan, trainers Fernando Ocon, Brix Flores, dating two-time world champion Gerry Penalosa, Dodie Boy Penalosa’s wife Ann, Thai boxing aficionado Narong Hengtrakul, Dan Ismael Lim, Tito Abella, at Roy Jumaoas Jr.