ramirez copy

MAGKAKAROON ng malawakang partisipasyon ang mga kabataang anak ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Batang Pinoy Games.

Ito ang iginiit ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “ Butch “ Ramirez bilang bahagi ng pagbuhay sa ‘Sports For All’ program ng pamahalaan.

Pinangunahan ni Ramirez ang pakikipag-usap sa mga lokal na opisyal at lider sa mga pamayanan na nasasakupan ng mga MILF sa pamamagitan ng Mindanao Sports For Peace caravan na ang layunin ay masimulan ang grassroots sports program ng bansa sa nasabing lugar.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“We are giving special attention to the MILF youth, so we are trying to finalize our PSC-MILF sports program,” wika ni Ramirez na nakikipag negosasyon upang maipatupad at masimulan ang programa kay MILF vice chairman Ghazali Jaafar.

Maliban sa nasabing hangarin, nais din ng PSC chief na masimulan ang patuloy na sports development sa kampo upang magbigay daan sa paglahok ng mga kabataan sa Batang Pinoy at ng mga nakatatanda sa kanila sa Philippine National Games.

Sa mga nakaraang edisyon ng Batang Pinoy at Palarong Pambansa na idinaos sa bahagi ng Mindanao, may mangilan ngilang mga kabataang atleta na ang mga magulang ay miyembro ng MILF ang lumahok at nagsipagwagi ng medalya. (Marivic Awitan)