LOS ANGELES (AP) — Itinayo sa Dodger Stadium ang estatwa ni baseball great Jackie Robinson nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng ganito kataas na pagkilala ang Dodger sa kanilang naging player.

Si Robinson ang unang negro player na naglaro sa major league matapos ang anim na dekadang paglaban sa racial segregation, at unang nakasama sa Hall of Famer balloting.

“He just felt it was an idea whose time had come,” pahayag ni Janet Marie Smith, Dodger senior vice president of planning and development.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

May taas na 77-inch (1.95 meter) ang bronze statue ni Robinson na naging rookie noong 1947.

“Our goal was to both celebrate Jackie Robinson as an athlete and to acknowledge the important role he had in civil rights and social change in America,” aniya.

Tumanggap ng replica ng naturang estatwa ang unang 40,000 fans na dumalo sa laro nitong Sabado laban sa Arizona.