Kumikilos ngayon ang Kamara upang mapigil ang talamak na bentahan ng mga pekeng beauty product sa bansa.

Lumikha ang House committee on Metro Manila development ng technical working group (TWG) na magda-draft ng kaukulang panukala na magpapataw ng matinding parusa kontra sa paglaganap ng mga pekeng beauty product at pagkakaloob ng police powers sa Food and Drug Administration (FDA) upang malutas ang problema.

Ang paglikha ng TWG ay inaprubahan ng komite na pinamumunuan ni Quezon City Rep. Winston Castelo sa pagdinig tungkol sa paglaganap ng mga pekeng pampaganda sa bansa. (Bert de Guzman)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal