KUMPIYANSA at determinado si Toni “Dynamite” Tauru na mapanatili ng winning run at dominasyon sa Pinoy fighter sa pakikipagtuos kay Kevin “The Silencer” Belingon sa co-headliner ng ONE: KINGS OF DESTINY sa 20,000-seater MOA Arena sa Abril 21.

Matapos mabigo sa unang dalawang sabak sa ONE Championship, umagaw ng atensiyon si Tauru nang gapiin ang beteranong Pinoy na si Geje “Gravity” Eustaquio sa impresibiong rear-naked choke sa first round.

Walang inaksayang oras si Tauru nang makasilip ng pagkakataon para ipatikim sa Team Lakay member ang mapait na kabiguan.

Laban kay Belingon, inaasahan ni Tauru na maitatala ang bagong panalo sa Pinoy at sa harap nang home crowd.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“This is my chance to keep my momentum going in ONE Championship. It’s not impossible. That’s why I am exerting a tremendous amount of effort in training. I want to keep on winning,” pahayag ni Tauru.

Ngunit, mabigat ang hamon sa kanya, higit at de kalidad ang talento ni Belingon, dating bantamweight title challenger, na may kakayahang manalo sa iba’t ibang pamamaraan.

Galing si Belingon sa unanimous decision na panalo laban sa matikas na si Muin Gafurov, nagwagi kay Tauru via third-round stoppage noong Enero ng nakalipas na taon.

“Kevin is a good striker. In his last fight, he showed that he now has a good takedown defense. He is also ONE Championship title challenger like me. However, he hasn’t fought a martial artist like me. I am always improving my arsenal and honing my craft,” sambit ni Tauru.

“I am extremely confident for this bout. It’s the perfect match-up to show the whole world my true capabilities as a top-notch competitor in this sport. I am not going to waste this opportunity. I am coming to Manila on April 21st to get my hand raised,” aniya.

“The Philippines is crazy over MMA. They know the sport so well. I know I am fighting their hometown hero. I see it as a challenge to gain their respect. It will be an awesome fight between Kevin and me. Expect that,” pahayag ni Tauru.

Mabibili na ang tiket para sa ONE Championship. Para sa karagdagang detalye, buksan ang www.onefc.com, o sundan sa Twitter at Instagram @ONEChampionship.