GAGAMITING basehan ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang PBA All-Star Game na sukatan para mapili ang top 12 na bubuo sa National Team na isasabak sa 2017 SEABA Championships.

“We’re hoping for a competitive All-Star game, first of all the players are playing before their hometown so they want to perform well and secondly, it’s gonna be the first game of this group,” pahayag ni Reyes.

Hinati sa tatlong koponan para makatunggali ng All-Star selections sa tatlong itinakdang mga laro na idaraos sa magkakahiwalay na lugar na kinabibilangan ng Cagayan de Oro sa Abril 26, Lucena City sa Abril 28, at Lapu Lapu City sa Abril 30,magsisilbing pagsubok ang mga ito para sa Gilas kung gaano na sila kapamilyar sa isa’t-isa maging sa sistema ni Reyes.

“We expect them to go all-out. This is also going to be the basis of the final line-up for SEABA so we’re going to see who performs best and run the system well,” pahayag ni Reyes.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Bukod sa performance na ipapakita nila sa All-Stars, gagawin ding basehan ang attendance ng mga players sa kanilang ensayo.

“That’s why we’re asking the guys having trouble coming in or participating in the practice,” aniya.

“We want to find out if they are serious or they really want to play. Attendance really matters.” (Marivic Awitan)