OAKLAND, Calif. (AP) – Patuloy ang ratsada ng NBA’s best team.

At tila hindi pa kontento ang Golden State sa resulta tungo sa huling tatlong laro ng Warriors matapos ipahayag ang pagbabalik aksiyon ni Kevin Durant sa laro laban sa New Orleans Pelicans sa Sabado (Linggo sa Manila).

Binigyan ng ‘go signal’ ng team medical at athletics staff ang 6-9 forward para muling sumabak sa aksiyon matapos magpakita ng maayos na porma sa ensayo ng koponan sa nakalipas na araw.

Nangunguna sa scoring 25.3 points per game) at rebounding (8.2 rpg), ipinahinga si Durant matapos mapinsala ang kanang tuhod sa laro kontra Washington Wizards noong Pebrero 28.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa pagkawala ni Durant, natamo ng Golden State ang apat na kabiguan sa anim na laro, subalit matikas na nakabawi ang Warriors sa natipang 13 sunod na panalo para tanghaling best team sa regular season na may 65-14 karta at nagbigay sa kanilang home court advantage sa NBA Playoffs sa ikatlong sunod na seson.