Idineklara na kahapon ng Philippine Atmopsheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang opisyal na pagpasok sa bansa ng “summer” dry season o tag-init.

Ayon kay Rene Paciente, weather forecaster ng PAGASA, nalusaw na ang umiiral na amihan at pinalitan na ito ng high pressure area (HPA) na humaharang sa malamig na hangin.

Sinabi ni Paciente na umiiral na ngayon ang pamumuo ng HPA sa North Pacific Ocean, malapit sa Japan na nagdadala ng maalinsangang hangin sa bansa.

“These changes in pressure with accompanying changes in wind patterns signify the termination of the Northeast Monsoon (Amihan). The Amihan brings cold air from northern latitudes into the Philippines, usually around the Christmas season. With the Amihan’s end, the country will now experience more hot and dry weather,” ayon sa PAGASA.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

(Rommel P. Tabbad)