DAVAO CITY – Bagamat ipinagpaliban ang ipinangakong lokal na usapang pangkapayapaan sa New People's Army (NPA), sinabi ng Presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na handa ang pamahalaang lungsod na mag-alok ng mga trabaho sa mga rebelde.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng alkalde na sisimulan na niyang mag-alok ng trabaho sa mga rebelde kahit hindi pa nagsisimula ang lokal na negosasyong pangkapayapaan sa siyudad.

“Maghulat ta kay istoryahan daw nila ang ceasefire didto napud sa Europa. Samtang ga wine and cheese sila, padayun ang sardinas ug asin ninyo dinha sa bukid. (Maghintay muna tayo, dahil kapayapaan din ang pinag-uusapan nila sa Europe. Habang umiinom sila ng wine at kumakain ng keso, sardinas at asin pa rin ang iniuulam n’yo sa kabundukan),” sabi ni Carpio.

“Open gihapon akoa offer nga trabaho sa inyo tanan (nand’yan pa rin ang alok kong trabaho sa inyong lahat), all of you with pay and all bonuses like other city hall employees, guaranteed,” dagdag pa ng alkalde. “Work with us for Davao City.”

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

“Mga NPA sa Davao, kung interesado ra mo, kinahanglang kamo tanan gyud dili puwede isa ra, you know where to find me.

24/7 akoa cellphone. #DabawenyoAko (Mga NPA sa Davao, kung interesado kayo, alam n’yo kung saan ako matatagpuan.

Available ako 24/7),” ani Carpio.

Idinadaos ngayon sa Netherlands ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF), at inaasahan ng magkabilang panig ang paglagda sa bilateral agreement. (Yas D. Ocampo)