HINDI na kailangan pang maglista ng solid numbers si American import Charles Rhodes para maprotektahan ang kaniyang stint bilang San Miguel Beer import sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup.
Mga numero na parang hindi pang-import na 22 puntos at 12 rebound ang naitala ni Rhodes sa kaniyang league debut, ngunit hindi naman ito ikinabahala ni head coach Leo Austria.
Ayon kay Austria, kaniyang kinuha ang 31-year-old Rhodes upang maging main man sa depensa ngayong hindi naman nila problema ang opensa.
Patunay nito ang 99-92 come-from-behind victory ng Beermen kontra Meralco na pumutol naman sa 4-0 start ng Bolts noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
“He did not score heavily but that’s what I want from our import. As long as he takes care of the shaded are, he can be a big help,” ani Austria. “Defensively hindi pa lumalabas laro niya pero in the next few games I expect him to get better.”
Kung si Austria ang paniniwalaan, tila patikim pa lang ang ipinakita ni Rhodes nang ma-bokya nito si Meralco import Alexander Stepheson matapos mag-lista ng 21 puntos ang Bolts reinforcement sa unang tatlong quarters.
“That’s my thing. Ever since I was in high school, I love defense. I pride myself in defense,” pahayag ni Rhodes.
Siyam na players lamang ang ginamit ni Austria kontra Meralco, dalawa sa mga ito ay limitadong minuto lamang, isang patunay sa matinding opensa ng Beermen.
Susunod na makakalaban ng San Miguel ang delikadong Phoenix Fuelmasters ngayong Biyernes sa MOA Arena sa Pasay City.
(Dennis Principe)