ROME, REUTERS - Nangako ang grupo ng G7 o mauunlad na bansa na ipagpapatuloy ang pagbuo ng U.N peacekeeping force para protektahan ang mga world heritage site mula sa pagkawasak sa giyera at masupil ang ilegal na pagbebenta sa mga nakaw na yaman.
Naging taktika ang pagsira sa mga sinaunang bagay sa mga heritage site — tulad ng Palmyra sa Syria at dambana ng Timbuktu sa Mali — ng mga rebeldeng grupo gaya ng Islamic State, para ipagpatuloy ang kanilang propaganda at kumita mula sa smuggling, ayon sa United Nations.
Ang G7 ay binubuo ng Canada, France, Germany, Japan, Britain, United States, at Italy.