NAGSANIB-PUWERSA ang Bureau of Fisheries at Aquatic Resources at Oceana Philippines para bumuo ng National Management Framework Plan para sa sardinas—ang kauna-unahan sa bansa.
Sa kanyang mensahe sa paglulunsad ng “Sagip Sardines” kamakailan, hinimok ni Agriculture Undersecretary for Fisheries Commodore Eduardo Gongona ang lahat na tumulong sa pangangalaga at pagbibigay ng proteksiyon sa sardinas sa bansa.
“We call on our partners, both locally and internationally, in spreading our message of responsible stewardship, especially when it comes to the management and maintenance of this precious fish resource,” ani Gongona.
Mahalagang uri ng isda ang sardinas para sa libu-libong Pilipino. Sa nakalipas na limang taon, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, nakapaghango ang industriya ng sardinas ng 335,000 metrikong tonelada na nagkakahalaga ng P10.45 bilyon.
“When we look at data from our Fisherfolk Registration System, we see that there are over 800,000 fisherfolk engaged in capture fishing. That is nearly half of the 1.7 million registered fisherfolk across the country, almost a million people dependent on sardines and other fish for their everyday living,” saad ni Gongona.
“These numbers mean a lot to your government, which, under the Duterte Administration has committed to provide safe, available, and affordable food for its people,” aniya.
“With the affordability and abundance of the sardine population, the sardine industry is one of the fisheries subsectors that can help us achieve our food security goals,” sabi ni Gongona.
“Considering the innumerable benefits we reap from this remarkable fish resource, it is only fitting that we work to ensure that the sardine population are properly managed and protected,” dagdag niya.
Mahalagang bahagi rin ang sardinas sa oceanic food chain dahil kinakain ito ng mas malalaking isda, gaya ng pating, dolphin, at tuna.
Dahil sa kahalagahan nito sa mga tao at sa marine biodiversity, inihayag ni Oceana Philippines Vice President Atty. Gloria Estenzo-Ramos na marapat na tiyaking mahusay na napangangasiwaan, batay sa siyensiya, ang pangisdaan ng sardinas o ihanda ang sarili sa paglalaho ng nabanggit na isda.
Kaya naman nakipagtulungan ang gobyerno, sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries at Aquatic Resources, sa Oceana Philippines, sa pagpapatupad at pamamahala ng pagsisikap para mapanatiling sagana at sapat ang pinagkukunan ng sardinas sa pagbuo ng National Sardine Management Plan. (PNA)