Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na samantalahin ang panahon ng Kuwaresma para mapalapit sa Panginoon.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission (ECM), isang magandang oportunidad ang Kuwaresma upang mas mapalalim pa ang personal na relasyon sa Panginoon at maibalik ang magandang tradisyon ng pamilyang Pilipino na sama-samang nananalangin tuwing alas-sais ng gabi.

“First prayer, be close to God, take some time to adore the Blessed Sacrament, take some time to pray the rosary silently and especially a family prayer, let us go back to the beautiful tradition of the Filipinos that every 6 o’clock in the evening the whole family is gathered in prayer, it is very important…” ani Bastes, sa panayam ng Radio Veritas.

ALAY KAPWA

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinaalala naman ni Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, National Director ng Caritas Philippines, na ang Kuwaresma ay panahon din ng pag-aayuno at pagtulong sa mga nangangailangan.

Binanggit niya ang programang Alay Kapwa ng Simbahan na nangangalap ng pondo para sa mga biktima ng iba’t ibang sakuna at kalamidad, at ang Fast to Feed Program ng Hapag-Asa Feeding Program ng Pondo ng Pinoy na mahigit 1.5 milyong bata na ang napakain simula nang ito ay ilunsad noong 2005.

PENITENTIAL WALK

Samantala, hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga deboto na makiisa sa penitential walk sa Biyernes Santo.

Tinawag na “Penitential Walk for Life”, isasagawa ito 4:30 hanggang 9:00 ng umaga sa Abril 14, at magsisimula sa Baclaran, Parañaque at magtatapos sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila. (Mary Ann Santiago)