Nagpahayag kahapon ng pagkadismaya ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa naging pahayag ng New People’s Army (NPA) na palakasin pa ang pangangalap ng mga bagong miyembro para sa kilusan.

Nabatid na ang nasabing direktiba ay inilabas ng NPA sa lahat ng kasapi nito kasabay ng paggunita sa ika-48 anibersaryo ng rebelyon nitong Miyerkules.

Dahil dito, kinuwestiyon ng AFP ang sinseridad ng NPA sa usapang pangkapayapaan nito sa gobyerno.

Sinabi ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na isang malungkot na development ang pahayag ng NPA lalo na sa muling pagbabalik sa negotiating table ng magkabilang kampo, na ang susunod na pag-uusap ay sisimulan sa Linggo, Abril 2.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Una nang nagpahayag ng pagdududa ang militar sa motibo ng NPA sa nakatakdang pagdedeklara ng unilateral ceasefire sa susunod na buwan. (Fer Taboy)