HINILING ng pamilya ni Celeste ‘Letlet’ Viana Terrenal-Maring ang panalangin mula sa mga kaibigan at mga kaanak para sa pumanaw na dating Sports Editor ng BALITA at Kabayan.
Binawian ng buhay ang beteranang mamamahayag nitong Marso 28 bunsod ng ‘hyperthyroidism’ sa St. Dominic Hospital sa Bacoor, Cavite sa edad na 47.
Naulila niya ang kabiyak na si Ruverindo, mga anak na sina Caillie at Raevenne, mga magulang at kapatid.
Nagtapos si Letlet sa University of Sto. Tomas sa kursong AB Journalism. Nagsimula siya sa sportswriting career noong 1989 at nakapagkober ng iba’t ibang sports meet, kabilang ang Southeast Asian Games.
Kasalukuyan siyang empleyado ng Department of Labor and Employment at part-time professor sa PUP-Sta. Mesa campus.
Nakahimlay ang kanyang mga labi sa La Bien Memorial Chapel sa Bacoor City, Cavite. Nakatakda ang libing sa Linggo (Abril 2) sa Holy Trinity Cemetery.