Abalang-abala sa paglalaro ng “pool” ang isang tricycle driver nang lapitan at pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang armado sa Navotas City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on the spot si Armando Cedro, 46, ng North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa ulat, bandang 9:00 ng gabi, naglalaro ng pool ang biktima sa harap ng Agora Market, Navotas City.

Isa-isang bumaba sa dalawang motorsiklo ang apat na lalaki at nilapitan si Cedro saka pinagbabaril.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Amboy Soriano, saksi, bukod sa nakatakip ang mukha ng mga suspek, pawang nakasuot ng sombrero ang mga ito.

Posible umanong may kinalaman sa ilegal na droga ang insidente matapos kilala umano si Cedro sa paggamit ng droga sa kanilang lugar. (Orly L. Barcala)