Binalaan kahapon ng Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng pamahalaan na may “kabit” o ibang babaeng karelasyon na mahaharap ang mga ito sa kasong administratibo at posible pang masuspinde sa posisyon.

Ito ang sinapit ni Altavas, Aklan Mayor Denny Refol makaraang ipag-utos kahapon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagpapataw ng anim na buwang preventive suspension laban sa alkalde matapos mapatunayang nagkasala ito sa disgraceful at immoral conduct.

Nag-ugat ang kaso nang matuklasan ng fact-finding team ng Ombudsman na sa kabila ng pagkakaroon ng asawa ay may ibang babae pang karelasyon si Refol na naanakan pa nito.

Inamin ni Refol na siya ang ama ng bata, batay sa pinirmahan niyang certificate of live birth, na nakasaad na isinilang ang bata noong 2007.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hindi rin binigyang-bigat ng Ombudsman ang dahilan ni Refol na “mangilan-ngilan na lang sa panahong ngayon ang opisyal ng pamahalaan na walang kabit”. (Rommel P. Tabbad)