BUTUAN CITY – Tatlong mahihinang lindol ang muling yumanig sa Surigao del Norte kahapon.

Wala namang iniulat na nasaktan o napinsala sa nasabing pagyanig, ayon sa pagtaya ng mga city at provincial disaster risk reduction and management council (DRRMC).

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Butuan City, nasa 3.6 magnitude ang lindol na yumanig bandang 1:55 ng umaga kahapon sa Surigao City, na sinundan ng magnitude 2.8 bandang 9:58 ng umaga sa bayan ng General Luna.

Makalipas ang ilang minuto, naitala naman ang magnitude 2.7, dakong 10:06 ng umaga sa General Luna pa rin.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pebrero 10, 2017 nang yanigin ng magnitude 6.7 ang Surigao City na ikinasawi ng walong katao. (Mike U. Crismundo)