MAYROONG nakaimbak na bigas sa bodega ng National Food Authority sa Iloilo at sasapat ito sa pangangailangan ng buong lalawigan sa loob ng apat na buwan.

Nitong Biyernes, inihayag ni National Food Authority-Iloilo Director Erna Abello na sa kasalukuyan ay mayroong halos apat na milyong bag ng bigas sa bodega ng ahensiya, batay sa huling inventory.

Kabilang sa nakaimbak ang commercial, household at government o NFA rice.

“Wala kaming problema sa supply ng bigas sa lalawigan dahil laging sapat ito sa aming pangangailangan,” saad ni Abello.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Naalala niya na nakapagluwas ang National Food Authority ng 25,000 bag ng bigas sa unang bahagi ng Enero ngayong taon sa Rehiyon 12 sa kahilingan ng Sultan Kudarat upang maging panangga sa seguridad ng pagkain.

Sa magandang produksiyon ng bigas ng mga magsasaka sa probinsiya, sinabi ni Abello na patuloy na nagluluwas ang mga nagnenegosyo ng komersiyal at pribadong bigas sa probinsiya sa ibang mga lugar ng bansa kabilang ang Bacolod City, Tacloban, at Zamboanga.

Nakapag-supply din ang National Food Authority ng saku-sakong bigas sa Department of Social Welfare and Development para sa supplemental feeding program ng kagawaran noong Enero.

Gayunman, binanggit ni Abello na inaasahan nilang mag-aangkat ng bigas mula sa central office ng ahensiya sa Hunyo para sa seguridad ng pagkain. Sinabi niya na ang aangkating bigas ay magiging supply sa loob ng 30 araw.

Samantala, nagdaos kamakailan ang National Food Authority ng serye ng seminar workshop sa mga magsasaka mula sa ikatlo at ikalimang distrito ng probinsiya kung paano tutukuyin ang rice grains na papasa sa kalidad ng ahensiya.

Inaasahang matatapos sa Mayo ang mga workshop para sa mga magsasaka mula sa una, ikalawa, at ikaapat na distrito ng Iloilo.

“Layunin ng workshop na himukin ang mga magsasaka na hindi lamang pagtuunan ang pagtatanim kundi maging ang pagbebenta sa kanilang mga ani,” sinabi ni Abella. (PNA)