LINGAYEN, Pangasinan – Sampung oras na mawawalan ng kuryente ang ilang bayan sa silangang Pangasinan sa Martes, Marso 28, 2017.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magpapatupad ng brownout para sa pagmamantine ng mga distribution line.
Sinabi ni Melma Batario, NGCP-Region 1 communications and public affairs officer, na mawawalan ng kuryente simula 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng gabi ang mga sineserbisyuhan ng Pangasinan Electric Cooperative III (Panelco III) sa mga bayan ng Tayug at Umingan. (Liezle Basa Iñigo)