Inihayag kahapon ng Philippine Navy (PN) na sinimulan na ng BRP Ramon Alcaraz ang pagpapatrulya sa paligid ng Benham Rise.

Ayon kay Commander Jeff Rene Nadugo, commanding officer ng BRP Ramon Alcaraz, itataboy nila ang mga barko ng alinmang bansa na mahuhuli nilang nagsasagawa ng aktibidad sa Benham Rise, dahil hindi ito pinahihintulutan ng gobyerno.

“Titingnan natin ang kalagayan ng lugar, at kung sakaling may makita tayong mga dayuhan na nagsasagawa ng anumang aktibidad ay itataboy natin, sapagkat hindi pinahihintulutan ng Pilipinas,”sabi ni Nadugo.

“The Navy will henceforth regularly patrol Benham Rise partly due to past Chinese activities there but more importantly because it is part of our Continental shelf and awarded to us by the United Nations,” sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aminado naman ang PN na mahihirapan silang magpatrulya sa lugar dahil sa lawak nito, na aabot sa mahigit 13 milyong ektarya. (Fer Taboy at Francis Wakefield)