Aabot sa P100,000 halaga ng shabu ang itinapon sa compound ng Navotas City Jail (NCJ), nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Senior Insp. Joey Genecera, jail warden, may bigat na 30 gramo ang shabu na inabandona ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa pahayag ni JO1 Danilo Santiago, bandang 9:00 ng umaga nang mamataan niya ang isang plastic glass na ibinalot sa tape sa loob ng NCJ, sa Barangay Seipac Almacen.

Aniya, pinalabas niya ang mga bilanggo upang maarawan at makapag-ehersisyo hanggang sa nakita niya ang shabu.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi ito ang unang beses, ayon kay Genecera, na may naghagis ng shabu sa compound ng NCJ dahil nitong nakaraang Linggo, tatlong kaha ng sigarilyo na may lamang shabu ang kanilang nadiskubre.

“May dike kasi sa gilid at marami ring informal settlers na nakatira sa paligid kaya mahirap matukoy kung sino ang naghahagis ng kontrabando sa loob,” pahayag ni Genecera. (Orly L. Barcala)