Nahaharap ngayon sa kasong graft sa Sandiganbayan ang isang dating alkalde ng Cebu dahil sa pagkakasangkot sa umano’y maanomalyang pagpapalabas ng ayudang pinansiyal sa isang non-government organization noong 2008.

Bukod sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, kinasuhan din ng malversation of public funds si dating Daanbantayan, Cebu Mayor Ma. Luisa Loot, kaugnay ng pag-aapruba niya sa pagpapalabas ng P500,000 sa RBA Quail Raisers Association para umano sa pagpapalawak ng agri-business project nito.

Sa reklamo, nabigo umano ang magkabilang panig na sundin ang mga panuntunan sa pinirmahang memorandum of agreement, kabilang na ang periodic monitoring at evaluation para matiyak na mababayaran ang inutang.

Wala ring permiso ng Sangguniang Bayan ang pagpapautang ni Loot sa RBA. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito