Mga Laro ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- DLSU vs NU (Men)

10 n.u. -- UST vs UP (Men)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2 n.h. -- UE vs DLSU (Women)

4 n.h. -- UST vs FEU (Women)

NU Bulldogs at La Salle Spikers, hihirit sa Final Four.

BIGTIME play ang kailangan ng National U para mapatatag ang kampanya sa Final Four ng men’s division, habang haharapin ng defending women ‘s champion De La Salle ang sibak ng University of the East ngayon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP Season 79 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Ganap na 2:00 ngayong hapon ang salpukan ng Lady Archers ang Lady Warriors na susundan ng tapatan ng University of Santo Tomas at ng Far Eastern University ganap na 4:00 ng hapon.

Hangad ng Tigresses (6-4) na tumabla sa ikatlong posisyon sa National University upang mapalakas ang pag-asang makabalik ng Final Four round.

Umaasa si Tigresses coach Kungfu Reyes na maging consistent sa kanilang laro ang kanyang mga players kung nais nilang umabot ng semis.

“Hopefully, wake-up call para sa amin. Kailangang ayusin namin, otherwise, may paglalagyan kami,” pahayag ni Reyes.

“Kung kalahati lang ang effort, kalahati rin ang resulta. Sana everytime, maging all-out na sila kasi second round na. This could be the urning point kasi kami ng FEU, UP and NU, iisa na lang ang goal namin. Pare-parehas gustong pumasok ng Final Four,” aniya.

Para naman sa Lady Tamaraws (5-5) , pipilitin nilang ipatas sa University of the Philippines para mapanatiling malakas ang tsansa nilang unusad ng susunod na round.

“Kailangan naming makabawi. Especially ngayon, crucial na ang position namin. Hindi naman kami nawawalan ng pag-asa, kami na ang bahala kung paano naming ito tatanggapin. Yung team muna, kailangang ayusin namin,” wika ni Delos Santos patungkol sa 20-25, 22-25, 25-17, 25-21, 8-15 pagkatalo sa Ateneo. (Marivic awitan)