Maghaharap ng reklamo sa pulisya ang mga magulang laban sa isang guro na umano’y nanakit at nagpahirap sa kanilang mga anak sa Camp 6 Elementary School sa Tuba, Benguet, kahapon.

Ayon sa isa sa mga magulang, ibinilad sa araw ng hindi pinangalanang guro ang kanyang anak at ang mga kaklase nito.

Sumbong pa ng mga estudyante, pinapalo ng guro ng libro ang sinumang mag-aaral na makakagawa ng pagkakamali.

Sinabi naman ni Robert Tican, opisyal ng paaralan, na hindi niya nakikitang may estudyanteng nakabilad sa araw sa campus.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tiniyak naman ni Tican na magsasagawa ang eskuwelahan ng hiwalay na imbestigasyon sa nasabing reklamo.

Aniya, sakaling mapatunayan ang nasabing alegasyon ay magpapatupad sila ng kaukulang hakbangin upang hindi na maulit pa ang nasabing pang-aabuso sa mga estudyante. (Fer Taboy)