CONCEPCION, Tarlac - Kalaboso ang kinahantungan ng isang 45-anyos na lalaki nang magpanggap itong may koneksiyon sa Department of Education (DepEd)-Region 3 para biktimahin ang isang public school teacher na nagpapalipat sa bayan ng Concepcion sa Tarlac. Arestado sa entrapment operation si Oliver Razon, may asawa, ng Barangay Sta. Lucia, Magalang, Pampanga, na nakakolekta umano ng P32,000 sa pangakong maililipat si Aries Coles, 29, mula sa Bartolome Elementary School ng Gerona patungo sa paaralang elementarya ng San Bartolome sa Concepcion, Tarlac.

Ipinagmalaki umano ni Razon na kaibigan niya ang isang Nelia Ventura, ng DepEd-Region 3, pero nang beripikahin ito ni Coles ay kinumpirma mismo ni Ventura na wala itong kinalaman sa transaksiyon at peke ang mga papeles na hawak ng guro mula sa suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat