Suspendido ang mga klase sa Manila Science High School (MSHS) sa Taft Avenue sa Ermita dahil sa pagtagas ng mercury sa loob ng laboratoryo ng paaralan kamakailan.

Ayon kay Manila City Health Office chief Dr. Benjamin Yson, lilinisin muna ng isang pribadong grupo, na kinontrata ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang laboratoryo ng paaralan bago ipagpatuloy ang klase.

Ayon sa awtoridad, Marso 11 nang mangyari ang pagtagas nang linisin ng dalawang estudyante at dalawang guro ang nasabing laboratoryo.

Aksidente umanong natabig ng isang guro ang container na naglalaman ng mercury, dahilan upang tumapon ang tinatayang nasa dalawang kutsara ng nakalalasong kemikal.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Kamakalawa pa umano sinuspinde ang klase sa nasabing paaralan matapos matukoy na mataas ang antas o reading ng tumapon na mercury, na umabot sa 3,758 nano gram per cubic meter.