CABIAO, Nueva Ecija – Bugbog-sarado ang isang 30-anyos na lalaki makaraang kuyugin ng mga tauhan ng barangay na sumaklolo sa apat na babaeng pinaghihipuan umano niya ng dibdib bago hinablot ang bag ng isa sa mga ito habang naglalakad sa Barangay Maligaya, Cabiao, Nueva Ecija.

Kinilala ng Cabiao Police ang suspek na si Jason Bustamante, 30, ng Bgy. San Fernando Sur, Cabiao.

Dakong 9:15 ng gabi nang maaresto ng Barangay Peacekeepers si Bustamante makaraang maulinigan ang paghingi ng saklolo ng mga biktima.

Ayon sa pagsisiyasat, sakay sa motorsiklo ang suspek at nang matapat sa nagsisilakad na biktima—edad 18, 21, 22 at 47—ay hinintuan ang mga ito, isa-isang hinipuan sa dibdib bago sapilitang inagaw ang bag ng isa sa mga ito.

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat

(Light A. Nolasco)