Ibinunyag ng Philippine National Police (PNP) na nagpabago ng mukha ang pangunahing drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido, leader ng Prevendido Drug Group, sa pamamagitan ng panggagaya sa mukha ng rebolusyunaryo at pulitikong Cuban na si Fidel Casto.
Kasabay nito, inihayag ni Police Regional Police (PRO)-6 director, Chief Supt. Jose Gentiles na hindi pa nakakalabas ng rehiyon si Prevendido.
Sinabi ni Gentiles na kumpiyansa ang pulisya na nagtatago lang si Prevendido, bagamat inamin niyang wala silang impormasyon kung saan nagtatago ang drug lord.
Gayunman, batay sa intelligence information na nakuha ng PRO-6, ipinabago ni Prevendido ang kanyang mukha at kahawig na ngayon ni Fidel Castro, kumpleto sa mahabang balbas. (Fer Taboy)