Napatay ang leader ng Lopez Gang at dalawang miyembro nito makaraang manlaban nang tangkain silang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Baliuag, Bulacan, kahapon.

Sa report ng Bulacan-CIDG, tanging ang leader ng grupo na si Randy Lopez, taga-Barangay Piel, Baliuag, ang nakilala sa mga napatay.

Ayon kay Chief Insp. Joseph Nandu, Jr., ng Bulacan-CIDG, armado ng search warrant ang kanilang grupo nang tangkaing arestuhin ang tatlong suspek ngunit nanlaban ang mga ito hanggang magkaroon ng engkuwentro.

Sinabi ng CIDG na sangkot ang Lopez Gang sa ilang kaso ng gun-for-hire, carnapping at pagnanakaw. (Fer Taboy)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga