ANG hinahanap na laro ni coach Ana Santiago sa Lady Falcons ay lumabas sa pagkakataong kinakailangan ng Adamson University.

Sa pamumuno nina Riezel Calumbres, Lorna Adorable, Angelie Ursabia, at Florable Pabiana, nagawang maitarak ng Adamson ang 9-2 abbreviated six innings na panalo kontra University of Santo Tomas Tigresses kahapon sa Game One ng UAAP Season 79 softball championship sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

“Sabi ko sa mga bata, ‘walang pressure, there’s nothing new in the Finals. Just do what you’ve been doing in the first two rounds. At isa pa, surprise me,” pahayag ni Santiago .

Namuno ang lead-off batter na si Calumbres para sa Adamson sa itinala niyang tatlong runs, habang nagdagdag si Ursabia ng tatlong RBIs at tig –dalawa naman sina Pabiana at Covarrubias.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“To start yung season na ito, sabi ko sa kanila no pressure. Madami sa mga key players natin for the past six years ang wala na. Masaya ako na nag-step up sila. Kahit ako mismo, na-surprise ako sa pinakita nila,” dagdag ni Santiago.

“Yung mindset nila nandun, yung puso nila nandun, and I think yun yung nagdala sa kanila [this game].”

Nakauna pa ang UST matapos magtala ng dalawang runs sa first inning sa pamamagitan nina Lea Guevarra at Celestine Palma.

“Nung nagtama yung UST, sabi ko, ‘kailangan din nila magtama.’ Pag yung first batter naka-tutong, makaka-score kami kaagad. In one inning naka-score kami ng five runs. Hindi pa namin na-scoscoran si Ann ng ganun before,”ayon pa kay Santiago.

“Alam ko naman, from the start, ang main woman nila ay si Antolihao. Kung gusto nila manalo, kailangan tumama sila kay Ann ng consistent mas lalo na kung may runner,” aniya.

“But we’re not looking for that one player only, we’re looking at them as a whole. It doesn’t mean na pag mag-preprepare kami kay Ann, hindi kami mag-preprepare for their other pitchers.” (Marivic Awitan)