NEW York (Reuters) – Pumanaw na ang bilyonaryong pilantropo na si David Rockefeller, dating pinuno ng Chase Manhattan Corp. at patriarch ng isa sa pinakabantog at maimpluwensiyang pamilya sa Amerika, nitong Lunes. Siya ay 101 taon gulang.

Namatay si Rockefeller, iniulat na namigay ng halos $2 billion sa kabuuan ng kanyang buhay, habang natutulog dahil sa congestive heart failure sa kanyang bahay sa Pocantico Hills, New York.

Isa sa iilang nalalabing nag-uugnay sa “gilded” era ng mga robber baron ng Amerika, siya ay anak ni John D. Rockefeller Jr., na nagdebelop ng Rockefeller Center ng New York, at ang huling nabubuhay na apo ng oil tycoon na si John D. Rockefeller, tagapagtatag ng Standard Oil.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture