SAN JOSE, Tarlac - Walong hinihinalang illegal logger na sinasabing kumikilos sa bulubunduking lugar ng San Jose, Tarlac ang nalambat ng mga tauhan ng Environmental Task Force Kalikasan ng pamahalaang bayan ng San Jose, kahapon ng madaling araw.

Ang mga inaresto ay may kani-kaniyang kolong-kolong sa pagkakarga ng 202 sako ng uling na tinatayang nagkakahalaga ng P20,200.

Ayon kay PO3 Antonio Calo, Jr., walang naipakitang permit para magtroso sina Marlon Bacsa, 29; Benigno Capitli, 42; Feliciano Tolentino, 30; Joshua Labrador, 28; Edwin Tabunda, 39; Noel Dave, 25, pawang may-asawa at taga-Barangay Maamot, San Jose; Faustino Rapanan, 39; at Jerry Ludia, 45, kapwa ng Bgy. Iba, San Jose. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?