Apat na katao ang namatay habang isa naman ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Cabadbaran City, Agusan del Norte, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Cabadbaran City Police Office (CCPO), dakong 8:50 ng gabi nitong Linggo nang paulanan ng bala ang mga nag-iinumang biktima sa videoke bar sa Purok 1, Barangay 3 Poblacion sa Cabadbaran City.

Kinilala ni PO2 Glenn Villania, ng CCPO, ang nasawi na sina Bryan Pagal, 27, ng Bgy. Tolosa; Lotter Ladria, may-ari ng videoke bar; Jade Tagaro, 25; at Ricky Careras, 33, pawang taga-Bgy. 3 Poblacion.

Sugatan namang isinugod sa ospital si Jarrey Abasolo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ni Abasolo na wala siyang ideya sa motibo sa pamamaril. (Fer Taboy)