Sampung taong pagkakabilanggo ang parusang ipinataw ng Sandiganbayan sa isang dating alkalde ng Batangas dahil sa pagkakasangkot sa P8.1-milyon computerization project noong 2004.

Ito ay matapos mapatunayan ng anti-graft court na nagkasala si dating Lemery Mayor Raul Bendaña sa paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Bukod sa pagkakapiit, pinagbawalan na rin ng korte si Bendaña na magtrabaho sa anumang posisyon sa gobyerno.

Binigyang-diin ng hukuman na pumasok sa isang maanomalyang kontrata ang dating alkalde sa Amellar Solutions noong 2004 matapos nitong aprubahan ang proyekto para sa Revenue Generation System ng pamahalaang bayan ng Lemery.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“The prosecutors proved that no public bidding was conducted and that undue preference and advantage was extended by Bendaña when he directly chose to award the project to Amellar Solutions. It was also proved that the accused approved the project, with a budget of P8,188,737, despite the absence of approval from the Sangguniang Bayan (SB) and lack of certificate of availability of funds,” saad sa 22-pahinang desisyon ng korte.

Natuklasan din ng fact-finding team ng Office of the Ombudsman na tinanggap ni Bendaña ang nai-deliver na software para sa proyekto noong Oktubre 4, 2004, dalawang araw bago ilabas ng Konseho ng Lemery ang isang ordinansa na naglalaan ng pondo sa proyekto. (Rommel P. Tabbad)