Ni Martin A. Sadongdong

Doc MercaderTaong 2010 nang sinukuan na ni Emmanuel Mercader, 30, ang medical school at ang kanyang pangarap na maging doktor, ngunit nagbago ito nang hilingin sa kanya ng kanyang magulang at ni Lola Saning, 90, na muli siyang mag-aral at tapusin ang kanyang sinimulan.

Nagtrabaho siya bilang call center agent makaraang umalis sa med school.

Muling nagbalik sa pag-aaral si Mercader, ng University Of Perpetual Help-Jonelta Foundation School of Medicine Las Piñas, at naging matagumpay matapos siyang makakuha ng 88.58% sa March 2017 Physician Licensure Examination. Nahigitan lang naman niya ang 812 iba pang pumasa mula sa kabuuang 1,317 examinees.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

“Gusto akong makitang ganap na doktor ng lola ko. Sabi niya sa akin, bago man lang siya pumanaw, eh matupad ko sana ang pangarap niya plus I knew it would be a dream come true for my parents. It was because of that wish that I decided to resume my studies,” pahayag ni Mercader sa Balita nitong Sabado, ilang oras matapos ang kanyang back-to-back TV at radio guesting.

“I know it sounds like a cliché pero hindi ko talaga in-expect na magta-top ako kasi ang perception ko after the exams, nagkalat ako to the point na I was convinced malabo na mag-top 10, much less mag-top one.”

Ayon kay Mercader, isinagawa ang eksaminasyon noong Marso 5, 6, 12 at 13. Sa kada araw, tatlong magkakaibang test ang pinasagutan na binubuo ng 100 tanong.

Ang mga tanong ay may kinalaman sa Anatomy, Biochemistry, Physiology, Microbiology, Pathology, Legal Medicine, Surgery, Medicine, Pharmacology, Obstetrics, Pediatrics at ang pinakamahirap para sa kanya, na halos ibalibag niya ang calculator, ay ang Preventive Medicine and Public Health.

“The last one ‘yong talagang nagkalat ako because it focuses on epidemiology and statistics. Biro ko nga sa mga kaklase ko, kaya nga ako nag-doktor mahina ako sa Mathematics, eh,” biro niya.

“Kaya you can imagine ‘yung total surprise ko when I learned the news, I was having dinner at that time tapos biglang sunud-sunod ‘yung tunog ng cellphone ko at ang daming bumabati. Sobrang na-flood ‘yong phone ko with messages of congratulations, nag-hang na siya,” kuwento niya.

Ito rin ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng College of Medicine ng UPH-Las Piñas na nakapasok sa Top 10 ang estudyante nito, na mas ginawang espesyal ni Mercader bilang topnotcher, ayon kay Dean Dr. Harivelle Hernando.

Bukod kay Lola Saning, walang papantay sa sayang nadarama ng ama ni Mercader, si Perfecto, 71, isang tricycle drivers-operator; at ng ina niyang si Myrna, 66, retiradong abogado.

“Gusto kong magpasalamat una sa lahat sa Panginoon, nothing is impossible when you are with Him. To my parents, na naniwala sa akin even during the time that I, myself, nawalan na ng pag-asa sa pagme-medisina. They believed in me when I didn’t believe in myself anymore,” sabi pa ni Mercader.